Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,383

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health-Center for Health Development Region 4A (DOH-CHD 4A), araw ng Linggo (May 24, 3:00 PM) pumalo na sa 1,383 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 30 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 304
Laguna – 418
Batangas – 163
Rizal – 413
Quezon – 85

Nasa 670 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 3 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 100
Laguna – 263
Batangas – 89
Rizal – 152
Quezon – 66

Nanatili sa 148 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 27
Laguna – 34
Batangas – 22
Rizal – 57
Quezon – 8

Read more...