Ang biktimang si Aniceto “Boy” Rasalan, 58 anyos ay binaril habang kumakain sa isang karendirya sa Notre Dame Avenue Lunes (may 25) ng umaga.
Ayon kay Rolen Balquin, pinuno ng Cotabato City Public Safety Office, si Rasalan ay kasalukuyang executive secretary ng alkalde.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na kaniyang ikinasawi.
Naisugod pa ito sa Cotabato Regional and Medical Center pero idineklarang dead on arrival.
Sinabi ni Balquin na lulan ng motorsiklo ang dalawang suspek.
Noong July 25, 2015 ay tinambangan na rin ang biktima pero siya ay nakaligtas.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES