Target na 30,000 COVID-19 tests kada araw naisakatuparan na ayon sa Malakanyang

Nakamit na ng pamahalaan ang target na makapagsagawa ng 30,000 COVID-19 tests kada araw.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Laging Handa press briefing.

Ayon kay Roque, ang orihinal na target ng gobyerno ay maisakatuparan ang 30,000 tests per day sa May 30, 2020.

Pero noong May 20 ay nagawa na aniya ito ng gobyerno.

Umabot aniya sa 32,100 tests per day ang naisasagawa as of May 20.

Maliban dito sinabi ni Roque na target ng gobyerno na maitaas sa 66 ang bilang accredited laboratories sa bansa para makapagsagawa ng COVID-19 tests.

 

 

Read more...