“Selective barangay lockdowns” sa Metro Manila posibleng ipatupad simula sa June 1

Simula sa June 1 posibleng “selective barangay lockdowns” na lamang ang iiral sa Metro Manila.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año kapag binawi na ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa May 30, 2020 iiral na lang ang selective lockdown sa mga lugar na sentro ng virus.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring simula sa June 1 ay umiral na ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Kung magkakaroon ng “selective barangay lockdown” sesentro lamang ang gobyerno sa partikular na lugar na labis na apektado ng COVID-19.

Maari din naman ayon kay Año na hindi buong barangay ang isailalim sa lockdown kundi ilang bahagi lamang nito.

Read more...