91 OFWs mula India nakauwi na sa bansa

Dumating sa bansa ang 91 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang India.

Sa nasabing bilang, 68 ay pawang seafarers.

Ang eroplanong sinakyan ng mga OFWs pauwi sa bansa, ay pagsasakyan naman ng mga Indian Nationals na stranded sa Pilipinas para makauwi sila sa kanilang bansa.

Ito ang unang repatriation flight mula India simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Sa mga susunod na araw ay may mga uuwi pang OFWs sa bansa.

 

 

Read more...