Sinabi ito ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa panayam ng Radyo Inquirer.
Ayon kay Bello, tinatayang 44,000 na OFWs pa ang uuwi sa bansa sa susunod na mga araw.
Sinabi ni Bello na marami naman nang mga lalawigan ang mayroon nang sariling quarantine facilities.
Kaya para hindi maipon dito sa Metro Manila, ang mga OFW na darating sa bansa sa susunod na mga araw ay ididiretso sa quarantine facilities kanilang lalawigan.
Binanggit ni Bello ang Clark, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao City na pawang may mga sarili nang quarantine facilities.
Magugunitang nagkaproblema ang pamahalaan nang dumami ang mga OFW sa mga quarantine facilities.