Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.75 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (May 25) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 190.57 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.54 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.55 habang bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.27 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.26 meters
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga at San Roque dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
MOST READ
LATEST STORIES