Tricycle balik-operasyon na ngayong araw sa Muntinlupa City

Balik-operasyon na ang mga tricycle sa Muntinlupa City simula ngayong araw ng Lunes, May 25.

Sa ilalim ng nilagdaang EO No. 15 ni Mayor Jaime Fresnedi, iiral ang Odd-Even scheme sa pagbiyahe ng mga tricycle.

Kung ang plaka ay nagtatapos sa odd numbers, MWF lamang sila papayagang bumiyahe at kung nagtatapos naman sa even numbers ay TTHS pwedeng bumiyahe.

Wala namang papayagang bumiyahe kapag araw ng Linggo.

Isang pasahero lamang kada tricycle ang pwedeng isakay at dapat nakasuot ng facemask ang pasahero at driver.

P25 ang pamasahe sa tricycle.

Kailangan ding maglagay ng hand sanitizers sa mga tricycle at dapat ay isinasailalim ito sa dinsinfection dalawang beses sa kada araw.

 

 

 

Read more...