Echague, Isabela nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon, May 23

Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang maraming lugar sa bansa kahapon Sabado, May 23.

Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 37.6 degrees Celsius.

Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:

Ambulong, Tanauan City – 35.4 degrees Celsius

Tuguegarao City – 35.3 degrees Celsius

Catbalogan City – 35.0 degrees Celsius

Guiuan, Eastern Samar – 35.0 degrees Celsius

Cotabato City – 35.0 degrees Celsius

Zamboanga City – 35.0 degrees Celsius

Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

Read more...