Novaliches District Hospital, isasailalim sa disinfection mula May 26 hanggang 28

Inanunsiyo ng Quezon City government na isasailalim sa masusing disinfection ang Novaliches District Hospital (NDH) simula May 26 hanggang 28.

Ito ay dahil ilang empleyado ng nasabing ospital ang nagpositibo sa COVID-19.

Sasalang sa wall-to-wall disinfection ang mga critical area sa ospital kabilang ang wards, emergency room at admitting area.

Patuloy namang sasailalim sa self-quarantine ang iba pang frontliners na nagkaroon ng exposure sa mga empleyadong tinamaan ng nakakahawang sakit sa kasagsagan ng temporary shutdown.

Tiniyak naman nito sa publiko na ligtas at mananatiling bukas ang Emergency Room ng ospital para ma-accommodate ang mga pasyenteng kailangan ng agarang atensyong medikal.

“We are leaving no stone unturned in ensuring the general welfare of patients, health workers and the perimeter community,” pahayag nito.

Sinabi pa ng QC LGU na nakahanda ang Quezon City General Hospital at Rosario Maclang-Bautista General Hospital para serbisyuhan ang outpatient operations nito.

Umaasang maibabalik ang regular operations ng NDH upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa komunidad sa lalong madaling panahon.

Read more...