Ayon sa Bauan Municipal Information Office, ang COVID-19 patient number 6 sa Bauan ay empleyado sa isang telecommunications company sa Maynila.
Bihiran namang umuwi sa probinsya ang pasyente ngunit batay sa contact tracing, huli itong umuwi sa Bauan noong buwan ng Abril hanggang Mayo.
Nakabalik na ang pasyente sa Maynila nang makaranas ng ilang sintomas ng nakakahawang sakit.
Dahil dito, agad isinailalim ang pasyente sa throat swab test at dito na lumabas na positibo ito sa COVID-19 pandemic.
Patuloy anila ang isinasagawang contact tracing sa mga taong nakasalamuha nito sa Bauan sa nakalipas na ilang araw.
Patuloy namang nagpapagaling ang pasyente sa isang ospital sa Makati City.