Namahagi si Poe ng 2,500 PPE suits; 1,000 complete PPE sets; 2,000 face shields; 23, 975 facemasks; 15, 700 pares ng gloves; at 210 galon ng alcohol.
Bukod dito, nagbigay din ang senadora ng 1,170 test kits sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lugar.
Samantala, sa sektor naman ng pampublikong transportasyon, nakapagbigay si Poe ng 2,700 50-kilong sako ng bigaa, libu-libong food packs at iba’t ibang klase ng pagkain sa transport groups sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Nagbigay tulong din kay Poe ang ilan sa kanyang mga kaanak kasama na ang ina na si Susan Roces at ilang kaibigan.
Nakaagapay din sa pagbibigay tulong ang Panday Bayanihan, isang NGO na pinamumunuan ni Brian Poe Llamanzares, anak ng senadora at kanyang chief of staff.
Ang mga PPE ay ibinigay sa Philippine Children Medical Center sa Quezon City at dalawa pang ospital sa Cebu sabay pasasalamat ng senadora sa mga medical frontliners sa kanilang pagsasakripisyo.