Tatlo pang Filipino sa abroad, pumanaw dahil sa COVID-19 – DFA

Nadagdagan nang isa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 24, nasa 2,523 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,350 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 879 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Tatlo ang nasawi pa kung kaya 294 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 785 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 720 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 560 naman ang kaso sa Americas at 458 sa Asia Pacific Region.

Read more...