Heart Evangelista, nilinaw na hindi siya buntis

“I am not pregnant … fake news”

Ito ang naging paglilinaw ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa publiko.

Nagpasalamat ang aktres sa mga humihiling ng kanyang pagbubuntis.

Ngunit, nais aniya niyang bigyang-linaw na hindi totoo ang mga kumakalat na ispekulasyon sa umano’y pagbubuntis nito.

Aniya pa, isang sensitibong usapin ito para sa kaniya.

“I am not pregnant … fake news. Thank you for all your wishes but I am not … I’d like to set the record straight . It is a sensitive topic for me . Thank you,” pahayag ni Heart sa Twitter.

Read more...