Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Robredo na sa kabila ng naging epekto ng COVID-19 pandemic ay nakita pa rin kung paano napagtibay ng Eid’l Fitr ang relasyon ng bawat Filipinong Muslim.
Nakita aniya kung paano nagkukumustahan ang mga magkakaibigan online kasabay ng fasting at kung paano mag-abot ng tulong ang mga Muslim na may negosyo sa kanilang mga empleyado.
“We see it in friends reaching out and checking on each other online during fasting; in Muslim business owners extending compassion to their staff; in leaders who advocate peace and put their constituents front and center in their agenda,” pahayag ni Robredo.
“Regardless of creed, I enjoin every Filipino to embody the spirit of Eid’l Fitr. May we realize that the many threads of our beliefs ultimately weave into the collective fabric of Filipino identity. May we all live in adherence to Eid’l Fitr’s message of inclusiveness and communal responsibility,” dagdag pa nito.