11 residente sa Bataan, gumaling na sa COVID-19

Nasa 11 pang residente ang naka-recover sa COVID-19 sa Bataan.

Sa update hanggang 7:00, Linggo ng umaga (May 24), umakyat na sa 107 ang total recoveries ng COVID-19 sa lalawigan.

Nadagdagan din ang isa ang bilang ng mga nagpositibo.

Dahil dito, nasa 147 na ang confirmed COVID-19 cases sa Bataan.

Nasa pito katao naman ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Samantala, umabot na sa 2,497 ang sumailalim sa pagsusuri sa Bataan.

Sa nasabing bilang, 1,960 ang lumabas na negatibo sa COVID-19 pandemic.

Read more...