Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa mga susunod na araw

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory bandang 12:43 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Zambales at Pampanga.

Ayon sa weather bureau, mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa mga nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...