Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan pa

Umabot na sa 1,178 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Ito ay matapos na makapagtala ng 26 na panibagong kaso ng sakit sa lungsod.

Mayroon namang naitalang 84 na naka-recover na sakit kaya umabot na sa 256 ang bilang ng recoveries sa lungsod.

Habang apat ang nadagdag sa bilang ng nasawi, sa ngayon ay 95 na ang COVID-19 death toll sa Maynila.

Mayroon pa itong 1,372 na suspected COVID patients sa lungsod at 1,178 na probable.

 

 

 

Read more...