Ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, simula sa susunod na lingo ay ipamamahagi na ang food packs at hygiene kits sa mga mag-aaral.
Ginawa ng alcalde ang anunsyo sa video conference nito kasama sina Manila City Schools Division Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim, Division of City Schools Property Chief Roland Soriano, at 107 pang school principals sa lungsod.
Ayon kay Domagoso, tutulong ang mga principal sa pamamahagi ng tulong sa mga mag-aaral.
Ipinahanda rin ng alkalde sa mga school principal ang database ng kanilang mga mag-aaral.
Inaasahang sa Martes ay maisusumite na ang listahan at address ng mga mag-aaral mula sa 72 public elementary schools at 35 public high schools sa Maynila.