97 dayuhan kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa

Kabilang ang 97 mga dayuhan sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Base ito sa datos mula sa Departmentof Health (DOH).

Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 60 pa ang naka-admit o isolated, 21 ang naka-recover na habang mayroong 8 na pumanaw.

Ang 97 ay kinabibilangan ng sumusunod na nationalities:

Chinese – 32
Americans – 13
Japanese – 5
Taiwanese – 5
Indians – 5

Habang ang 39 na iba pa ay mula sa iba pang mga bansa.

 

 

 

 

Read more...