Dalawang tonelada ng gamot at meat products winasak ng BOC

Winasak ng Bureau of Customs NAIA ang dalawang tonelada ng mga gamot at meat products na nakumpiska nito.

Kabilang sa mga kontrabadong sinira ang mga hindi rehistradong gamot na tinatayang aabot sa 350 kilos ang bigat.

Ang nasabing mga gamot ay kinumiska ng Customs dahil sa kawalan ng clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Kasabay ding sinira ang mga nakumpiskang expired na food stuff at meat products na pawang wala namang health clearance.

Winasak ang mga kontrabando sa Thermal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. sa Trece Martires City, Cavite.

 

 

 

 

Read more...