Cebu City nakapagtala ng 40 pang bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 40 pang panibagong kaso ng COVID-19 ang Cebu City mula sa iba’t ibang mga barangay nito.

Ayon kay Cebu City spokesperson, Atty. Rey Gealon, ang mga bagong kasong naitala ay mula sa jail facilities sa Barangay Kalunasan, ilang barangays, at sa isang bulubunduking barangay.

Ang jail facilities sa Barangay Kalunasan ay nakapagtala ng 9 na bagong kaso. Sa ngayon ay umabot na sa 381 ang kaso sa mga bilangguan sa Kalunasan.

Nakapagtala naman ng tig-apat na bagong kaso ang Barangays Punta Princesa at Luz.

Tig-tatlong kaso sa Barangays Kamputhaw at Labangon.

Tig-dadalawang kaso sa Barangays Pasil, Duljo, Mambaling, Guadalupe at Sambag 2.

Habang ang Mountain barangay na Bacayan ay nakapagtala ng isang kaso.

May naitala ring tig-iisang bagong kaso sa Barangays Calamba, Sawang Calero, San Nicolas Proper, Sambag I, at Bulacao.

Umabot na sa 1,844 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitatalas a Cebu City.

Sampu na ang pumanaw habang 116 naman ang gumaling sa sakit.

 

 

 

 

Read more...