Bilang ng healtcare workers na nagpositibo sa COVID-19, 2,336 na

Umabot na sa 2,336 ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na tinamaan ng sakit na COVID-19.

Pero ayon sa Department of Health (DOH) parami ng parami ang mga healthcare worker na gumagaling o nakaka-recover sa sakit.

Sa ngayon ayon sa DOH, 1,086 na ang naitatalang recoveries.

Habang 1,219 pa ang aktibong kaso.

Nananatili naman sa 31 ang bilang ng mga pumanaw na healthcare worker.

Labingisang araw na ayon sa DOH na walang naitatalang nasawi na healthcare worker dahil sa COVID-19.

Simula din noong April 11, 2020 ay patuloy ang pagbaba ng mga nagkakasakit na healthcare worker.

 

 

 

 

Read more...