43 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19

Nakapagtala ng 2 na panibagong bilang ng mga nasawing Filipino sa ibang bansa dahil sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabuuan, umabot na sa 287 ang nasawi na mga Pinoy sa ibayong dagat dahil sa sakit.

Nakapagtala din ng 43 na panibagong bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng sakit sa ibang bansa.

Sa ngayon ayon sa DFA, mayroon nang 2,504 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Mayroon namang 5 panibagong naka-recover sa sakit kaya umabot na sa 866 ang bilang ng recoveries.

Nananatiling ang Europa ang mayroong pinakamaraming kaso na 770, kasunod ang Middle East na mayroong 719 kaso, ang Americas ang ikatlo na mayroong 559 cases at ikaapat ang Asia Pacific na mayroong 456 cases.

 

 

Read more...