Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na makararanas ng pag-ulan

Magpapatuloy ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa Thunderstorm Advisory No. 7 na inilabas ng PAGASA alas 4:25 ng hapon ng Biyernes, May 22 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan pa sa Metro Manila, Zambales, at Bulacan sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Santa Cruz, Pila, Victoria, Nagcarlan at San Pablo sa Laguna; Lipa, Batangas at sa General Nakar at Sampaloc sa Quezon.

Terminated naman na ang thunderstorm sa iba pang mga lugar.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...