Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00, Biyernes ng hapon (May 22), nakapagtala pa ng 92 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Samantala, sumampa na sa 13,597 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.
9,648 dito ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 163 ang bagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa 163 na bagong kaso, 91 o 56 porsyento ay mula sa National Capital Region; 56 o 34 porsyento ay sa Region 7; habang 16 o 10 percent ang mula sa iba pang lugar.
Labingisa naman ang nadagdag sa COVID-19 related deaths kaya umabot na sa 857 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa sakit.