Kaso ng COVID-19 sa Marikina City nadagdagan pa ng 3

Nakapagtala pa ng tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa Marikina City.

Sa pinakahuling datos ng Marikina City LGU, 163 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nadagdagan naman ng 1 ang bilang ng naka-recover sa sakit. Sa ngayon 75 na ang gumaling na pasyente.

Nananatili naman sa 21 ang bilang ng mga nasawi.

Mayroon pang 9 na probable COVID-19 patient at 11 suspected COVID-19 patient sa Marikina.

 

 

Read more...