Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 295 kilometers Southeast ng Sarangani, alas 3:05 ng hapon ng Biyernes (May 22).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...