Bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan nakararanas ng heavy to intense na pag-ulan

Nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa Thunderstorm Advisory No. 6 na inilabas ng PAGASA ala 1:57 ng hapon ng Biyernes, May 22 heavy hanggang intense na pag-ulan ang nararanasan sa Las Pinas at Caloocan; mga bayan ng San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Mayantoc, San Jose, Capas at Bamban sa Tarlac; Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, at San Marcelino sa Zambales; Hermosa at Mariveles sa Bataan; Lubao at Floridablanca sa Pampanga; San Jose Del Monte, Santa Maria, at Meycauayan sa Bulacan; Bacoor, Imus, Dasmarinas, General Trias, at Trece Martires sa Cavite; Rosario, Batangas; at sa San Narciso, Quezon.

Sa mga susunod na oras, mararanasan na rin ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Nueva Ecija, Laguna at Rizal.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...