Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga OFWs na dumarating at paparating pa lang sa bansa ay pawang mula sa United States, Italy, Spain at ilang parte ng Middle East.
Sa dami aniya ng umuuwing OFWs, maaring magkaroon ng spike o pagtaas sa kaso ng sakit.
“And nakikita natin dito is yung magkaroon ng spike ang mga lugar at isa rito na nakikita natin is yung importation ng transmission through malaking influx ng ating OFWs,” ani Galvez.
Sa ngayon umabot na sa 30,000 OFWs na umuwi sa bansa ang naisailalim sa COVID-19 test at 600 sa kanila ang nagpositibo.
MOST READ
LATEST STORIES