Kapalaran ni Duque nasa kamay ni Pangulong Duterte

Photo grab from DOH Facebook video

Nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ni Health Sec. Francisco Duque III.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan na magbitiw na sa pwesto o sibakin sa pwesto si Duque.

Ayon kay Roque si Duque ay nagsisilbi sa pleasure ng kaniyang appointing authority at iyon ay ang pangulo.

Sasagutin din aniya ni Duque sa tamang forum ang mga alegasyon laban dito.

Sa ngayon, apela ni Roque ay hayaan si Duque na gampanan ang kaniyang trabaho lalo at mayroong pandemic ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Read more...