Prangkisa ng Valisno Bus tuluyan nang kinansela ng LTFRB

FILE PHOTO/ Jan Escosio
FILE PHOTO/ Jan Escosio

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang motion for reconsideration na inihain ng pamunuan ng Valisno Bus sa ipinatupad na kanselasyon sa kanilang certificate of public convenience.

Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, dahil dito pinal na ang kautusan ng regulatory body na kanselahin ang prangkisa ng Valisno Express Bus na naunang ipinatupad noong Setyembre ng nakalipas na taon.

Ito ay kaugnay sa aksidenteng kinasangkutan ng isang bus ng Valisno na bumangga sa concrete marker sa boundary ng Quezon City at Caloocan sa Quirino Highway at ikinasawi ng apat na pasahero habang labinganim na iba pa ang nasugatan.

Sakop ng kanselasyon ang operasyon ng 24 na bus ng Valisno na nasa ilalim ng nasabing prangkisa.

Noong August 12, 2015, ang bus ng Valisno na may plate number na TXV-715 at minamaneho ni George Obana Pacis bumangga sa concrete boundary ng Caloocan at Quezon City habang patungo sa Tungko, San Jose Del Monte Bulacan.

Read more...