Deadline sa pagbabayad ng buwis wala nang extension – BIR

Kahit umiiral pa ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at Laguna at may ECQ pa sa Mandaue City at Cebu City, hindi na palalawigin pa ng Bureau of Internal Revenue ang deadline sa pagbabayad ng buwis.

Inamyembdahan ng BIR ang inilabas nilang Revenue Regulations No. 11-2020 na nagsasaad na kung may extension sa community quarantine, palalawigin din ang deadline sa pagbabayad ng buwis ng 15 araw pa.

Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na bagaman mayroon pang umiiral na community quarantine, ay hindi na mapapayagan ang panibagong tax payment extension.

Kailangan na kasi aniya ng pondo ng gobyerno.

 

 

 

Read more...