Paghahanda ito ng Globe sa pagpapagaan na ng gobyerno sa community quarantine restrictions kung saan pinapayagan nang makabalik sa operasyon ang mga kumpanya.
Sasailalim sa rapid antibody testing ang lahat ng frontliners ng Globe Telecom para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at stakeholders.
Tinatayang nasa 15% ng 8,000 empleyado ng Globe ay nagtatrabaho sa frontline at bahagi ng critical skeletal force simula nang umiral ang Enhanced Community Quarantine.
Mayroon pang dagdag na 5% na babalik na sa trabaho sa pagbubukas na ng mga store ng Globe.
“The safety of our employees and the public are of paramount importance to us. That is why we have decided to do mass testing of our frontline workers on a weekly basis using the rapid antibody testing kits. If some sort of positivity appears in that particular test, then we are going to do a more extensive test, ” ayon kay Renato Jiao, Globe Chief Human Resource Officer.
Sa pagsasagawa ng Rapid Test sa mga empleyado nakikipag-ugnayan ang Globe sa Ayala Healthcare Holdings, Inc. o AC Health.
Gamit ang test kits na nakapasa sa high standards ng AC Health, lalabas ang resulta sa loob lang ng kalahating oras.