BOC nakapag-release na ng mahigit 11,800 na PPEs shipments

Umabot na sa 11,860 na PPE shipments ang nai-release ng Bureau of Customs (BOC).

Kahapon, May 21 dagdag na 84 pang PPE shipments ang nai-release.

Ito ay sa pawang mula sa NAIA, Cebu, Clark, Davao, MICP, at POM.

Simula noong March 9 ay tiniyak na ng customs ang same-day release sa mga dumarating na PPE shipments, medical supplies, at COVID Test Kits sa bansa.

 

 

 

 

Read more...