Sila ay kabilang sa mga nag-negatibo sa COVID-19 sa RT-PCR test na isinagawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.
Narito ang link kung saan maaring ma-download ang quarantine clearance https://shorturl.at/dekHL
Pwede ring i-screenshot lamang ang quarantine clearance at ito ang ipapakita sa PCG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), o Bureau of Quarantine (BOQ) personnel sa kanilang quarantine facility para ma-clear at mapayagang makauwi na sa kanilang mga pamilya.
Kahapon, May 21 ay inilabas ang unang batch ng mga mayroon nang quarantine clearance.
Aabot sila sa 14,669 na mga overseas Filipino.
Ang online release ng quarantine clearance ay inaprubahan ng Department of National Defense (DND), PCG, OWWA, at BOQ para mapabilis ang repatriation ng mga overseas Filipino sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.