Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa ikaapat na thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 10:37 ng umaga ngayong Biyernes, May 22, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Metro Manila, Bataan, Cavite at Pampanga sa susunod na mga oras.

Parehong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa bayan ng Santa, Maria, San Ildefonso at San Jose Del Monte sa Bulacan; San Pablo at Alaminos sa Laguna; Lipa, Rosario at Taysan sa Batangas at sa Tayabas, Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...