Hinihinalang miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Iriga City

Nasawi sa engkwentro ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na barangay sa Iriga City.

Ayon kay Police Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, hindi pa nakikilala ang nasawing rebelde.

Nangyari ang engkwentro sa Barangay Sta. Cruz habang nagsasagawa ng routine patrol ang mga pulis.

Nadatnan nila sa lugar ang grupo ng mga rebelde na nagresulta sa palitan ng putok dakong alas 5:00 ng umaga ng Biyernes, (May 22).

Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16, grenade rifle, at mga bala.

 

 

 

 

Read more...