Nakipagkasundo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang payment providers para maisakatuparan ang cashless o contactless transactions sa mga taxi at TNVs.
Sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay pinapayagan na ang pagbiyahe ng mga taxi at TNVs.
Kabilang sa unang nakausap na ng DOTr at LTFRB ay ang Globe para magamit ang GCash sa cashless payments.
“Cashless and contactless payment scheme will now be part of the ‘new normal’ in the public transportation system. This should not be treated by taxi operators as another transaction cost. Rather, this move intends to limit direct physical contact between drivers and their passengers and help stop the spread of COVID-19. I am very grateful to GCash for making this new arrangement happen,” ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.
Sa pamamagitan nito, ang mga taxi driver at TNVs driver ay maaring tumanggap ng digital payments gamit ang Scan to Pay (STP) app ng GCash.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III ang bagong fare payment setup ay makatutulong sa mga driver at pasahero para maiwasan ang transmission ng virus o bacteria.