Nararanasang pag-ulan sa mga lalawigan sa central at southern Luzon magpapatuloy ayon sa PAGASA

Patuloy na uulanin ang ilang lalawigan sa Central Luzon at Southern Luzon.

Sa ikatlong thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 8:48 ng umaga ngayong Biyernes, May 22, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Pampanga, Bulacan, Laguna at Batangas sa susunod na mga oras.

Parehong lagay ng panahon na rin ng panahon ang nararanasan sa bayan ng Mauban at Atimonan sa Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...