Pampanga at Bulacan maagang uulanin ayon sa PAGASA

Maagang makararanas ng pag-ulan sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 5:44 ng umaga ngayong Biyernes, May 22, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa dalawang lalawigan sa susunod na mga oras.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...