Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsulong ng kaso base sa direktiba ng DILG.
“Seryosohan po ito. Nalalapit na ang paghuhukom para sa mga tiwaling opisyales ng mga barangay. Hindi po titigil ang ating kapulisan hanggat hindi mapapanagot sa batas ang mga kagaya nila,” ani Año.
Karamihan sa mga reklamo laban sa mga kinasuhang opisyal ng barangay ay ang paghahati o pagbawas sa halaga ng cash assistance.
Isa sa mga sinampahan ng kaso si Barangay Captain Gary Remoquillo mula sa San Pedro City, Laguna matapos hati-hatiin ang cash assistance para sa kaniyang mga constituents.
Ganito rin ang ginawa sa Brgy. Batang, Irosin, Sorsogon. Inatasan umano ng mga opisyal ng barangay ang mga beneficiaries na isauli ang P2,000 mula sa natanggap nilang P5,000.
Isang barangay Ex-O naman sa Olongapo City ang nakakulong na matapos kuhanan ng P3,000 ang isang SAP beneficiary.
Sinabi ni Año na sa mga susunod na araw ay mayroon pang mga makakasuhang barangay officials.