Sunog sumiklab sa residential area sa Maypajo, Caloocan

Tinupok ng apoy ang residential area sa Maypajo, Caloocan Biyernes (May 22) ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog alas 12:03 ng madaling araw sa Block 29, Barangay 35.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naideklarang fire out ala 1:11 ng madaling araw.

Tinatayang aabot sa 10 bahay ang natupok ng apoy.

 

 

Read more...