Karagdagang 33 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (May 21), umakyat na sa 1,152 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 889 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 264 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 140 na kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,042 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,352 ang suspected cases.
Nanatili naman sa 172 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at umakyat sa 91 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
MOST READ
LATEST STORIES