Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 260 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (May 21), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 260 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 788 na pulis ang itinuturing na probable case habang 574 ang suspected cases.

Samantala, tumaas din ang bilang ng mga gumaling na PNP personnel sa COVID-19 pandemic.

Sa huling tala, 84 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nanatili naman sa apat na pulis ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...