Anim pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Navotas City

Nadagdagan pa nang anim ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco base sa update hanggang 6:00, Hubwes ng gabi (May 21), naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– Bangkulasi – 2
– Tangos South – 2
– Navotas West – 1
– Sipac – 1

Dahil dito, umakyat na sa 138 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 84 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.

Samantala, nanatili sa 24 ang bilang ng nasawi sa Navotas City bunsod ng nakakahawang sakit.

Anim din ang bagong gumaling kung kaya 30 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Read more...