Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,320

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (May 21, 3:00 PM) pumalo na sa 1,320 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 14 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 291
Laguna – 390
Batangas – 157
Rizal – 399
Quezon – 83

Nasa 645 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 10 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 100
Laguna – 263
Batangas – 80
Rizal – 140
Quezon – 62

Nadagdagan ng 1 ang nasawi kaya’t 146 na ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 27
Laguna – 34
Batangas – 21
Rizal – 56
Quezon – 8

Read more...