Ayon sa alkalde, nai-turnover na ang pondo sa Districts 4, 5 at 6.
Inaasahang makatatanggap aniya ng P1,000 mula sa pamahalaang lungsod ang humigit-kumulang 680,000 na pamilya.
Ani Moreno, ang CACAF ay isa sa kanilang proyekto upang maibsan ang epekto ng COVID-19 crisis sa pamamagitan ng tulong pinansyal sa mga pamilya sa lungsod.
“I’m hoping, in our own little way, na makatulong po ito upang matugunan po ang ilan sa inyong mga pangangailangan sa panahon ng krisis,” pahayag ng alkalde.
MOST READ
LATEST STORIES