Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 21, 2,461 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,315 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Tatlo naman ang nadagdag sa bilanh ng overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital kung kaya umabot na sa 861.
Samantala, 285 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 matapos madagdagan ng apat pa.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 752 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 713 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 544 naman ang kaso sa Americas at 452 sa Asia Pacific Region.