Pag-uwi ng mahigit 100 katao sa lalawigan sa ilalim ng Balik Probinsya Program nasa timing pa rin kahit nasa 2nd wave na ang Pilipinas sa COVID-19

Nanindigan ang Malakanyang na nasa tamang oras pa rin ang pagpapauwi sa mahigit isang daang indibidwal na nakinabang sa Balik Probinsya Program kahit nasa second wave na ang Pilipinas sa COVID-19.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, bago pa man umuwi ng Leyte ang mga nakinabang sa Balik Probinsya Program, sinuri muna sila dito at pagdating doon sasailalim din sa quarantine period.

Sinabi pa ni Medialdea na sa unang linggo pa lamang ng Mayo, nabuo na ang ideya na pauuwin ng probinsya ang mga gustong umuwi para ma-decongest ang Metro Manila at bilang tugon na rin sa COVID-19.

Hindi aniya timing kundi ang pangangailangan na ang naging basehan ng pamahalaan kaya pinauwi ang mga ito.

Una rito, sinabi ni Senador Bong Go na bibigyan ng sapat na ayuda ng pamahaalan ang mga umuwi ng probinsya gaya halimbawa ng pangkabuhayan package, trabaho at iba pa.

Si Go ang nagsulong ng Balik Probinsya Program na inaprubahan naman ni Pangulong Duterte.

 

 

 

 

Read more...